Thumbnail for ‘The P6.7B?’: Palace questions VP Sara after change of travel plans | ANC by ANC 24/7

‘The P6.7B?’: Palace questions VP Sara after change of travel plans | ANC

ANC 24/7

18m 55s2,481 words~13 min read
Auto-Generated

[0:00]Gaano katagal po bago binibigay yung travel authority? I mean yung duration like one week or two weeks after the application? Normally po mga five working days inaayos at pagka ang Vice President naman ang humihiling, hindi naman 'yan tinatanggihan. So hindi po siya dapat issue. So ang issue na lang dito, sabi nga natin, we expedite, ha, um, the uh, the travel request, no? We usually expedite the processing of the travel request. What, uh, matters most now, no? Bakit nagbago ang isipan ni Pangulo or rather ni dating ah ni ni Vice Presidente? What made her change her mind is the 6.7 billion question. Thank you, ma'am. Sunod po ng tanong, Raffy Ayeng, Daily Tribune. Ma'am, follow-up lang doon sa travel authority. Ma'am, 'yung mga travel request na 'yan, since sinasabi niyo naman po na namamasyal lang ang Vice President, wala po bang kakayahan ng Presidente na. Hindi ko naman sinabi namamasyal. Sinabi ko nagbabakasyon, personal trip. Wala po bang kakayahan ng Presidente na kwestyonin ang Vice President na oops, teka, ah, parang nagbabakasyon ka na nga lang. Sabi nga natin, ibigay ang hilig ng walang ligalig. Tapos, ma'am, nabanggit niyo po 'yung bilyon-bilyon. Ano po 'yung reaksyon ng Palasyo dito sa pagkakatuklas nga nung bilyon-bilyong transaction sa joint bank account ng mag-amang Duterte, na isiniwalat ng HAPLAC. Hindi ito bago. Hindi ito bago na naririnig natin. So walang reaksyon ang Pangulo, walang reaksyon ang Palasyo. Mas maganda po malaman natin kung ano ba ang reaksyon ng Vice President dahil nabunyag itong bilyong-bilyong transaksyon na nakita sa kanyang mga bank accounts. At hindi pa rin po humaharap ang Vice President. Ano po ang mensahe niyo sa kanya para harapin ang? Ako magme-mensahe? Ako talaga? Una-una, ah, hindi kailangang bigyan ng mensahe ang Vice President. Una-una, malaki na po siya. Pangalawa, Vice President po siya. Public servant siya. So sabi niya isinusulong niya ang accountability and transparency. Siya po ang dapat nakakaalam kung anong dapat niyang gawin, kung paano ito ipaliwanag sa taong bayan. So hindi niya po kailangan ng anumang mensahe mula sa Palasyo. Sunod po ng tanong, Samuel Medenilla, BusinessMirror. Hi, good afternoon, Ma'am. Ah, magpa-follow-up lang po kami kung may update na po kaya doon sa proposed na DA na price cap Executive Order for imposing a price cap on imported rice po. Sa ngayon, Sam, uh, wala pa po tayong maibibigay na update, at 'yan po ay nakalatag pa lamang. Pero kapag mayroon na po, especially sa'yo, Sam, ibibigay ko kaagad. Ang ah, ang ano, ang resulta, mm. Tapos magpa-follow-up lang din po ako, Ma'am, doon sa ano, 'yung na-mention ni President Marcos nung presscon niyo nung April 13 na instructing DA and the Tariff Commission to lower tariff sa mga imported na pagkain po. Actually kinakausap pa po si DA Secretary patungkol po 'yan. At muli, ibibigay ko po ang pinaka-update dahil sa ngayon po ay wala pa po talaga tayong maibibigay na update patungkol diyan. Thank you po, Ma'am. Sunod po ng tanong, Letner Siso, DZRH.

[3:47]Yusuf, may bago po 'yung tanong ko, may quick follow-up lang din ako doon sa travel authority. Sabi niyo po, a day before ibinibigay kay VP Sara 'yung travel authority niya. Sa ibang opisyal po ba ganun din? Yes, normally, hindi naman ganoon kadali. Ah, 'yung tanong ko po, usec. Nasa level 19 na po 'yung flight fuel surcharge for April 16 to 30 na inaasahang magpapataas ng pamasahe sa eroplano. Aside from reduction of passenger service and airport navigation charges, what are the other measures being considered to uh, uh to address impact of oil prices to air transportation? Yes, oo, Let, medyo issue po 'yan, no? Pero kinakausap po natin mismo ang DOE, at ito po ang kanilang sinabi na quote, "No existing government subsidy on aviation fuel and the allowable aviation fuel surcharge is set by the Civil Aeronautics Board, not by airlines themselves." So 'yun lang po muna ang kanilang mensahe. At ah, may nauna na rin pong pahayag si Presidente na 'yung sinasabi niyang distinct possibility ang flight groundings. And recently may ah, statement po ang International Air Transport Association that jet fuel shortage may likely hit the aviation industry by June. Pinaghahandaan na rin po ba natin ito? May mga instruction ba si Presidente at kumusta po ang ating ah, jet fuel supply? Lagi naman po na inuulat sa Pangulo ito at lahat po ng paraan ay ginagawa po para po hindi magkulang ang supply ng produktong petrolyo sa atin.

[5:27]Ah, 'yan din po ang naiulat noon na maaaring maging resulta 'yan dahil sa kinakaharap nating krisis dito sa Middle East. Salamat po. Sunod na tanong, Christian Yosorez, DZM.

[5:41]Hi, Usec. Quick follow-up lang din po doon sa travel authority ni VP Sara. Kasi may mga nagbahala po nung na-anunsyo na-grant 'yung kanyang travel authority, saying na baka flight risk siya at baka hindi na raw po umuwi ng Pilipinas. Pero given nga po na hindi naman niya itinuloy 'yung biyahe, pero should she try ulit na mag-apply ng panibago, is the palace open to grant her again a travel authority? Hindi naman po natin titigilan ang Vice Presidente sa kanyang paglalakbay. At um, maliban lamang siguro kung merong ilbo or merong precautionary hold departure order, tingnan din natin kung ano ang kanyang magiging reaksyon kapag siya ay naisyuhan ng ganyan. Thank you, ma'am. 'Yung question ko po talaga is about asking an update or details po doon sa naging meeting ni President last Tuesday sa preparation sa ASEAN Summit. What can you give us update po? Opo, ah, according po sa ating National Organizing Committee Chair, si ES Ralph Recto, nag-report siya at nag-update po siya sa Pangulo at all systems go po. So handa po tayo. One quick follow-up lang, ma'am. Kanina po nabanggit ni Cebu Governor Baricuato sa press briefing sa Cebu na may ilang mga meetings daw po na canceled na face-to-face na magiging online na raw po in May given because of part of the austerity measures. Given that situation po ba, possible pa rin po bang matuloy 'yung Leaders Summit in May ng face-to-face in Cebu or magiging online na rin po? Ah, tingnan lang po natin. Hindi pa po ako nabigyan ng update patungkol po diyan kung anong magiging sistema ng pagmi-meet. Ah, siguro po pagka natanong ko mamaya-maya, ibibigay ko po 'yung update sa inyo. Salamat po. Luisa Cabato, inquirer.net.

[7:29]Good afternoon po, Usec. Follow-up lang din sa ASEAN. How will the countries hosting on the 48th ASEAN Summit next month, ah, be affected by the current political issues involving particularly the Vice President and President Marcos' cousin, ah, Speaker former speaker Romualdez? Ah, katulad ng sinabi natin, handa po tayo sa ASEAN Summit, sa pagiging host natin. At ah, kung ano man po ang kinasasangkutan ng Vice Presidente patungkol sa mga di umano'y bilyones na transaksyon or worth billions na transaksyon na umiikot sa kanyang mga bank accounts, at kung ano man ang nagiging issue kay dating Speaker Martin Romualdez, hindi po ito makakaapekto sa Pangulo dahil ang Pangulo naman po at ang mga gabinete at ang concerned stakeholders naman po ang siyang nag-aasikaso para sa pagho-host natin sa ASEAN. Hindi naman po nakakasama ang Vice Presidente sa pagpe-prepara ng mga anumang programa ng gobyerno. Ayan po ang huling katanungan mula sa MPC. Narito naman po ang mga katanungan mula sa regional media. Usec, may karagdagang tanong po mula sa Negros Island Region at Caraga Press through the Philippine Information Agency. Unang katanungan mula kay Everlita Arong ng Siquijor today. The major power crisis in Siquijor has eased following the visit of President Marcos Jr. in 2025. But the system remains unstable with intermittent outages still occurring. When can residents expect a fully stable power supply and will the emergency generator currently stationed at Procellco, which noise is affecting nearby neighborhoods, remain in operation and for how long? Opo, mismo ang DOE ang nagbigay din sa atin ng update patungkol po diyan sa Siquijor. Totoo na nagkakaroon ng mga intermittent outages dito sa Siquijor, pero mas na-improve na po ang sitwasyon kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan dahil ito'y nagre-reflect sa operational performance records. At ah, pati po 'yung kasalukuyang transitory power supplier ay gumagamit na rin po ng high-speed generator sets para po mas mapaganda pa po ang overall system stability ah, ng power dito sa Siquijor.

[9:58]At ah, nagkakaroon man ng mga problema, mga technical challenges dahil sa over-frequency conditions, ito naman po ay minu-monitor closely ng DOE. At ang mga restoration po ng power ay natatapos po within an average of 10 to 20 minutes. At ah, ngayon po ang Proselco ay ina-upgrade, no? Ina-upgrade po ang backbone distribution lines para ma-accommodate ang ah, paglaki o 'yung paggamit ng malaking power dito sa sabing isla. So as a result, 'yung mga schedule na mga outages are ah, nangyayari para po magampanan ang ah, pag-upgrade ng nasabing ah, mga infrastructure improvements. At maliban po diyan, ah, 'yung sinasabing ingay, nakikipag-coordinate na po ang Proselco at ang NEA para po ma-minimize 'yung ingay na dulot nitong mga generator sets. Related question po galing kay Cindy Bonachita ng Siquijor Association of Information Disseminators. What is the DOE's long-term roadmap for Siquijor's energy security, like concrete plans for transition to renewable energy like solar, power, ah, solar, wind or hybrid systems? According mismo ah, si Secretary Sharon Garin, sinabi niya po na ang plano dito ay magkaroon ng improvement sa distribution lines at makonekta ang isla sa grid through submarine cables. At magkakaroon po ng pagdaragdag ng renewable energy, especially solar. Sunod na tanong po kay Romeo Sobaldo ng Digicast Negros. Will the 4PH, the housing program of President Marcos Jr., continue in Bacolod City? 25 buildings ang target and four buildings pa lang ang natapos. There were talks na 8 buildings lang ang tatapusin ng contractor at hindi na 25. May sagot po mismo diyan si Secretary Jose Ramon Aliling at aking babasahin. Tuloy-tuloy po ang paggawa sa Asenso Yuhom Housing Project sa Bacolod City sa ilalim ng expanded Pambansang Pabahay para sa Pangulo o 4PH program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa kasalukuyan, apat na buildings na ang natatapos at 113 na pamilya na ang nakatira diyan. Yung proposed 25 buildings sa master plan ng Asenso Yuhom ay target pa rin na ituloy. Matutuloy ito lahat. At least 12 po diyan ay tatapusin hanggang 2028. Mayroon lamang mga adjustments sa implementation concerning the contractors. End of quote. 'Yan po ang mismong ulat ni Secretary Jose Ramon Aliling ng DSWD. Next question po kay Primrose Teheda ng RMN DYHB Bacolod. 19 lives were claimed during a firefight between the communist terrorists and the military in Toboso, Negros Occidental recently. What can the Palace say as to the status of the peace process in the Negros Island? Mismo from the AFP, inamin po nila na nagkaroon po ng armed encounter noong April 19, 2026 sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Pero maaga po nilang nai-evacuate at nasagip at nabigyan ng proteksyon ang mga residents doon. At patuloy pa rin po ang pagpo-protekta ng AFP at committed sila sa kanilang mandate na magbigay ng proteksyon sa mga kababayan natin at ah, maidulot pa ang pangmatagal na kapayapaan at pag-unlad sa nasabing lugar in partnership with other stakeholders. Usec, last question po from Caraga Region, mula kay Clyde Hikilan ng AWR Hope Radio. Kamakailan ay inanunsyo ng DepEd ang pagpapatupad ng trimester school year. Ngunit may mga tanong hinggil sa kahandaan nito. Sa kasalukuyang kalagayan ng mga paaralan, lalo na sa kakulangan sa classrooms at manpower, handa na po ba ang DepEd para sa pagbabagong ito? At may nakalaan po ba ang karagdagang pondo upang tugunan ang mga kakulangang ito lalo na't naitala ngayong taon ang pinakamataas na budget allocation ng ahensya? Opo, mismo si Secretary Sara Duterte ng DepEd ang nagsabi na handang-handa na po ang DepEd at sabi po niya wala naman dagdag gastos para sa three-term calendar. At mas mababawasan pa nga daw ang mga gastos kasi menas ang exams, menas ang projects. At naa-appreciate ito ng mga guro dahil mas malalim at maluwag ang instructional time kaysa sa dati. So, handa naman po ang DepEd. Ayan po ang huling katanungan. Balik na po sa'yo, Usec. Maraming salamat. Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng mga produktong pang-agrikultura at mapanatili ang sapat na supply at abot-kayang produkto. Muling pinaigting ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang food lane program ng pamahalaan. Bahagi nito ang pagpapatupad ng Agri-Trucks Toll Free Program o ang pagpapatupad ng libreng toll sa mga accredited agricultural transport vehicles. Layunin nito na mapababa ang gastos sa transportasyon at mapabilis ang distribution ng pagkain sa gitna ng mataas na presyo ng langis. Pinalawak din ng Department of Agriculture ang programa sa pamamagitan ng mas mabilis at pinadaling proseso ng aplikasyon. Ang nasabing programa ng pamahalaan ay kasama sa mas pinalawak na Uplift Tulong sa Agri Sector, kung saan suportado nito ang mga magsasaka, mangingisda at food producers sa bansa. Tugon din nito sa programa ni Pangulong Marcos Jr. para sa sektor ng agrikultura.

[16:26]At bago po tayo magtapos, Pangulong Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos, nakikiisa sa lahat ng Pilipinong Katoliko sa coronation rights ng Our Lady of the Rosary sa Manaoag. Kahapon, April 22, ay tumungo sa Pangasinan ang Pangulo kasama ang First Lady upang makibahagi sa misa na dinaluhan ng mga deboto ng Our Lady of Manaoag. Pinangunahan ng Pangulo ang invocation prayer sa coronation rights. Ayon sa Pangulo, hiling niyang lalo pang lumalim ang debosyon at pananalig ng mga Pilipino sa pamamagitan ng nasabing selebrasyon. Hawak naman ni Pangulong Marcos Jr. ang korona ng imahe bago ito binasbasan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown para sa makasaysayang seremonya. Taong 1926 noong unang kinoronahan ang imahe ng Our Lady of Manaoag. Isandaang taon ang nakalipas, buhay na buhay pa rin sa puso at diwa ng mga Pilipino ang pananalig sa Panginoon sa tulong ng Inang Birhen. Kinilala ang Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag bilang isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga deboto sa lalawigan ng Pangasinan. Almighty and loving God, we offer you our praise and gratitude as we celebrate the centennial anniversary of the canonical coronation of Our Lady of the Rosary of Manaoag. A century ago, she was canonically crowned in recognition of her unwavering maternal care and intercession, reminding us of her steadfast love and protection for all whom she calls and for all who call upon her.

[18:36]We ask this in the name of your son, Jesus Christ, who lives and reigns with you and the Holy Spirit. God, forever and ever. Amen. At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript