Thumbnail for Halo-halo business sa garahe, paano nakakapagbenta ng 500 araw-araw?! | Pera Paraan by GMA Public Affairs

Halo-halo business sa garahe, paano nakakapagbenta ng 500 araw-araw?! | Pera Paraan

GMA Public Affairs

7m 54s1,163 words~6 min read
Auto-Generated

[0:06]Mommy Susan, kalabasa ka ba? Bakit? Nagkita ka kasi eh. Aouch! Kaya sige na sige na. Ako na ako na yung init na init. Ako na yung lapot na lapot. 'Di ba? Ay sino ba naman ang hindi naiinitan sa panahon ngayon ha? Aber, sino ang hindi? Aber! Init ulo 'yan, Mom's Susan. Sagot na namin ang pampawi ng init ng ulo mo. I-halo-halo na 'yan.

[0:35]Dahil sa matinding init, hindi sa beach kundi rito sa Barangay Casile sa Biñan, Laguna napasugod ang mga momshie at popchi niyo. 'Di bale nang mabila dahil siguradong sa unahan ng pila may ginhawa raw na naghihintay. Pinipilahan siya kaya gusto ko rin po mag-try. May nagsabi po kasi sa amin na masarap po 'yung halo-halo dito sa Juanas Shaved Ice Desserts. 12:00 ng tanghali nagbubukas ang trending na Juanas halo-halo. Pero 9:00 ng umaga pa lang, may mga matiyaga ng nakapila. Aba! Mahirap nga naman maubusan. Through Facebook po, nakita ko po 'yung mga 'yung mga nagpo-food content po, ayun kaya tin-ry ko din po dito. San pa po kayo galing? Sa Santa Rosa, Laguna po. Pumunta na rin ako before kaso lang sobrang haba lagi ng pila, kaya ngayon lang ako nagkaroon ng chance. Nakita ko lang din sa mga reviews na masarap nga siya. Lalo 'yung gatas nila 'yun talaga 'yung pinakamasarap, dahil ube. October last year ng magbukas ang Juanas Halo-Halo na pagmamay-ari ng online seller na si Mamshie Jane. Pero bago pa niya maisipang magbenta ng halo-halo, halo-halong gamit din muna ang nasubukan niyang itinda. Naitinda ko na po noon chicharon bagnet, leche flan, Ube San Pablo. Nagtinitinda rin po kami ng foam and pillows, ma'am, na hanggang ngayon ginagawa pa rin po namin. Ang nabuong pamilya ni Momshie Jane kasama si Popchi Janice ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy daw sila sa pagkayod. Kaya kasabay ng pagiging online seller, naisingit pa nila ang pagtitinda ng halo-halo. Pumuwesto sila sa bakanteng garahe sa bahay ng lola ni Momshie Jane. Naglabas ng 2,000 pisong puhunan na ipinambili ng ingredients at iba pang mga gamit. Start small ang peg ng kanilang negosyo. Pero ika nga, wala 'yan sa pwesto kundi nasa produkto. Ang sikreto sa malasa at makrema nilang halo-halo ang gatas nito na tinitemplahan at iniluluto pa muna nila bago ihalo sa halo-halo. Nakasanayan natin 'yung halo-halo na lalagyan ng sugar then milk na galing sa kan. Naisip naman po namin na para maging kakaiba naman sa panlasa ng lahat. Idagdag pa ang mga sangkap na hindi na nga tinitipid, sila pa mismo ang gumagawa. Sinisimulan po namin sa paglalagay po ng mga sangkap sa mga cups. Dito po sa area na 'to naglalagay na po ng leche flan at saka makapuno para po sa toppings ng aming halo-halo. Meron din silang taga-takal at tagabalot ng gatas at shaved ice. Ito ay dahil nakahiwalay ang gatas at yelo para sa take-out orders. Saging, beans, sago, gulaman, makapuno, ube, leche flan at siyempre ang kanilang signature milk. Presenting ang best seller na Juanas Classic Halo-Halo. Sobrang sarap po, sobrang creamy. Tapos ito po 'yung halo-halong maraming sangkap tapos konti lang po 'yung yelo. Kakaiba siya. Masarap 'yung leche flan, masarap 'yung ube, creamy. Super sarap. Ang sarap po niya at saka ibang-iba po siya sa mga ibang natitikman po namin. 109 pesos per cup ang benta nila sa classic halo-halo. Pero bukod diyan, binabalik-balikan din ang iba pa nilang pampalamig na hindi rin nalalayo ang presyo. Palaban daw ang lasa ng kanilang Ube Overload mga be. Heaven ito para sa ube lovers like me. Ube Macapuno para sa mga pusong nalilito. Hindi 'yan hugot ha? Hindi na raw kailangang mamili ng isa kung pwede naman ang dalawa. O ha! Kung gusto niyo pa ng mas makremang panghimagas, perfect sa inyo ang Crema de Leche. Pero kung hindi kayo fan ng matamis, subukan ang kanilang Mais Con Yelo. Balanseng lang ang tamis at nakapapawi rin ng inis este ng init. He he! Naka eto mga momshie at mga papchi, kakaiba daw po ang halo-halo na ito dahil bukod sa nakahiwalay ang yelo, nakahiwalay din 'yung kanyang malinamnam na gatas, eto. Kayo 'yung maglalagay ng yelo at nung gatas kaya panigurado hindi kayo madadaya sa laman. Kita niyo oh, halos kalahati na 'yung laman nito. Panigurado tayo ito Blackbuster na halo-halo 'yan okay na 'yan. 'yan, paglalagyan na ng halo-halo ng gatas. Ayun, dami na. Tikman na natin. Ang halo-halo nito ay ipinagmamalaki from Biñan, Laguna. Mmm. Creamy. Masarap ito. At 'yun nga tamang-tama talaga hindi ka lugi dito dahil ikaw 'yung maglalagay ng yelo so makikita mo talaga kung gaano karami 'yung ilalagay na palaman sa halo-halo. Ay, this is a good idea. Mmm. This is good.

[5:33]Ang Juanas Halo-Halo, lalo raw nakilala ng minsang mabisita sila ng isang food vlogger nitong lang Marso. Nag-trending ang post tungkol sa kanila at mula noon, sunud-sunod na ang vloggers na dumarayo rito kaya nakahatak pa sila ng mas maraming customers. Bongga! Sobrang laking tulong, Ma'am, kasi hindi lang po dito sa lugar namin ang nakakakita ng business namin kundi iba't ibang tao po sa iba't ibang lugar po. Kaya napakalaking tulong po ng social media. Mula sa 50 cups ng halo-halo na naibebenta nila noon, ngayon ay umaabot na ng 500 cups ang nauubos nila sa isang araw. Partida dahil marami pa raw ang naabutan ng cut-off at hindi nila napagbibilhan. Ito ay dahil bukod sa walk-in customers, meron pa silang riders na sa umaga naman nila kinakeater. Isa po ako sa mga rider ng Juanas halo-halo. Bale 'yung dinadala ko pong cups is 45 pieces a day sa iba't ibang customer po namin dinadala. Minsan po Biñan, Santa Rosa, Pasita, San Pedro. Minsan nakakarating din po kami ng Muntinlupa at saka po Cabuyao. Ang 2,000 pisong puhunan na palago sa negosyong halo-halo, kumikita lang naman sila ngayon ng hanggang 18,000 pesos sa isang araw. Nakapagpundar na rin sila ng sasakyan at nabibili na rin ang mga bagay na noon ay parang pangarap lang. Naniguro na rin sila at naglaan ng porsiyento ng kinikita para sa kanilang ipon o savings. On process na po 'yung sa franchising po. Bale inaayos na rin po 'yung sistema dito sa store bago po mag-costing, Ma'am. Ngayon, plano nilang lumipat sa mas malaki at mas maayos na pwesto para mas marami pa ang mapagsilbihang mga customers. Kaya ang payo nina Momshie Jane at Popchi Jenny sa mga tulad nilang Rocket All You Can bago ma-achieve ang breakthrough of a lifetime. Huwag silang tumigil sumubok sa lahat ng negosyo nila. Sipag at tiyaga then prayers po. Prayers po lagi dahil totoo po na kapag para sa 'yo, ibibigay para sa 'yo.

[7:29]Nagpapasalamat ako, Ma'am, kasi matibay kaming mag-asawa para sa pamilya namin, para sa mga anak namin kasi gusto namin mabigyan sila ng magandang buhay. Kaya lagi po namin sinasabi bawal maging tamad. Ang halo-halo, hindi lang pampalamig at pampawi ng init. Pwede rin maging daan para ang pangarap na tagumpay inyong makamit.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript