Thumbnail for FIRST LOVE IN HIGH SCHOOL | ALAYKA | PAPA DUDUT STORIES by Papa Dudut

FIRST LOVE IN HIGH SCHOOL | ALAYKA | PAPA DUDUT STORIES

Papa Dudut

28m 51s3,766 words~19 min read
Auto-Generated

[0:04]Dito sa Papa Dudut Stories, ikaw ay hindi nag-iisa. Dito sa Papa Dudut Stories, may nagmamahal sa 'yo. Papa Dudut Stories, Papa Dudut Stories. Dear Papa Dudut, sa lahat po ng mga nakatutok ngayon, huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.

[0:54]Hello at kumusta po kayong lahat. Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Alaika. Nasa 30 plus na po ang edad ko. May asawa at mga anak. At dito kami nakatira sa San Jose del Monte Bulacan pero nung kabataan ko ay sa Quezon City kami nakatira kasama ang mga magulang at kapatid ko. Isa ako sa mga loyal listener mo, Papa Dudut. Sisimulan ko ang kwento ko nung high school pa ako. Sabi kasi nila high school life daw ang pinakamasayang parte ng buhay natin. Dito marami tayong mararanasan.

[1:36]Makikilala at mararanasan ang unang tibok ng puso natin. Papa Dudut masaya at hindi ko malilimutan ang yugto ng buhay kong ito. Sapagkat totoo ang sinasabi ng ilan na first love never dies. Ang tunay na pag-ibig ay hindi tumitingin sa kung ano ang meron at kung ano ang narating ng isang tao. Year 2001, second year high school ako noon sa Quezon City Academy ng makilala ko ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Mula ako sa section Habakkuk. Habang ang lalaki naman ay taga section Esther. Ang school kasi namin ay isang building lang at ang klase ay nahati noon sa pang-umaga at panghapon. Iisang building lang din ang eskwelahan namin. At kahit na magkaiba kami ng section ng crush ko ay magkatapat lang ang classroom namin at tanging corridor lang sa gitna ang naghihiwalay dito. Kaya kahit na bored na bored na ako sa klase kapag nasisilip ko siya sa kabilang classroom ay nabubuhayan ako ng loob. Samantala noong panahong 'yun ay usong-uso noon ang penmate dahil noong year 2001. Wala pang unli text noon. Magsusulatan kayong dalawa hanggang sa makilala ninyo ang isa't isa. Pero nung mga panahong 'yun ay hindi ako nagpapatol sa mga penmates. Kasi isa lang ang hinahangad kong maging penmate noon.

[3:19]Ang lalaking crush ko sa katapat na section. Isang araw ay mukhang dininig ng Diyos ang panalangin ko. Kasi bandang break time ay lumabas ang lalaking crush ko at lumapit ito sa akin. Tapos may inabot siya sa akin na sulat. Kilig naman ako kasi dream come true kung magiging penmate ko ang crush ko. May nagpapabigay sa'yo nito. Sabi ni crush. Nawalang excitement ko nang sabihin niya 'yun. Ha? Hindi 'to galing sa'yo? Tanong ko habang hindi ko maitago ang disappointment sa aking mukha. Galing 'yan sa tropa ko si Arhel. Ayun siya, nasa likod ng upuan ko. Sabi niya sa akin sabay turo sa kinaroroonan ni Arhel. Sabihin mo sa kanya, hindi ako nakikipag-penmate. Medyo mataray kong sagot ng hindi ko masyadong natipuhan yung Arhel. Aaminin kong hindi naman ako masyadong maganda at hindi rin naman pangit si Arhel. Katunayan, mas mestizo siya kumpara sa crush ko. Pero syempre mas type ko pa rin yung crush ko. Tanggapin mo na. Sabi pa ng crush ko sa akin sabay ngiti nito. Nakararamdam naman ako ng kilig kaya kinuha ko na yung sulat sa kanya at nagpaalam na siya sa akin na babalik na siya sa classroom niya.

[4:52]Kasi dumating na ang teacher nila sa next subject. Samantala binuksan ko ang papel at ang nakasulat nga ay, puwede ba kitang maging penmate, Alaika? Pumayag na rin ako noon para masubukan ang feeling na may nagpapadala ng sulat sa'yo. Hindi nagtagal ay nakilala ko na si Arhel. Masaya naman siyang ka-penmate at araw-araw kaming nagsusulatan. Pagpasok, may sulat na siyang inaabot sa akin. Tapos iaabot ko yung response ko sa tuwing break time. At pagkatapos ng break time, anjan na naman yung response niya and then before mag-uwian iaabot ko naman yung response ko. Papa Dudut ganyan kami araw-araw. Nung una nagtatanong lang ng kung ano-ano. Hanggang sa nag-aya na siyang lumabas kami. Pumayag naman ako at pagkatapos ng class namin ay sumaglit kami sa katabing mall ng school namin sa North Edsa. Madalas akong ilibre ni Arhel sa paborito naming fast food. Tapos habang kumakain ay nagkwekwentuhan kami.

[6:06]Masaya ang kwentuhan si Arhel, hindi mauubusan ng topic. At saka nagustuhan ko talaga sa kanya yung pagiging gentleman niya. Kaya hindi nagtagal ay lumapit ang loob namin sa isa't isa. Hanggang sa dumating ang araw na tinanong na niya kung puwede daw ba siyang manligaw. Pumayag naman ako na ligawan niya ako, Papa Dudut. Tandang-tanda ko pa noon, madalas siyang magpapansin sa akin sa classroom niya. Ako naman ay kinikilig at dahil siguro sa itsura at personality niya kaya madali ako nahulog kay Arhel. Subalit isang araw ay nalaman ko na rin na isa rin sa mga kaklase ko na transferree ay ka-penmate din niya at nililigawan din niya. Sa madaling salita, Papa Dudut, dalawa pala kaming nililigawan niya. At doon natapos ang pagiging penmate naming dalawa. Binalik ko sa kanya lahat ng sulat niya sa akin at tandang-tanda ko pa ang itsura niya noon nung ibalik ko lahat ng sulat niya at nang sinabi ko na busted na siya. Simula noon ay hindi na kami nagsusulatan dalawa subalit sa tuwing break namin ay madalas siyang magpapansin. Ganun din sa tuwing may program sa school. Hindi rin maiwasan sa tuksuhin kami ng aking mga kaklase sa tuwing masasalubong namin ang isa't isa. Dumating ang araw na tapos na ang taon at kailangan naming magbakasyon. Unti-unti kong nakalimutan si Arhel at nabaling ulit ang atensyon sa dati kong crush. Si Marco Antonio. Kasama ang aking kaklase ay pumasok kami sa silid-aralan ng section Esther. At doon sa harapan ng silid-aralan, malapit sa blackboard ay nakapaskil ang mga letrato ng mga estudyante na nabibilang sa top 10 ng section na 'yon. Doon nga nagkagusto ulit ako kay Marco Antonio. Kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na kunin ang kanyang larawan. Itinago ko ang kanyang larawan. Nung sumunod na taon ng pasukan ay sabik ako sa unang araw ng klase. Dahil matagal ko na ring hindi nakikita ang aking crush. Lumipas ang mga araw ng kami ay third year high school na. Nagulat ako kasi section Antimony na si Marco Antonio na siyang top section sa third year. Habang ako naman ay bumagsak sa second to the last section. Na kung tawagin ay section Silver. Since magkaibang floor na kami ay hindi ko na nakikita pa si Marco Antonio. Samantalang itong si Arhel, nalagay sa section Gold ay nagpalipad sa aming section kaya naging magkaklase kami. Pero kahit na magpapansin siya sa akin ay deadma lang ako sa kanya. Isang araw ay nagkasabay sa kantin ng section namin at ang section ni Marco. Nakita ko siya at 'yun nga, kinilig talaga ako ng sobra. Para nga akong tanga, napalihim siyang sinusulyapan. Tapos kapag nagtatama ang paningin namin, syempre umiiwas agad ako. Napansin nito ni Arhel at agad siyang lumapit sa akin para kausapin ako. Alam mo Alaika, hindi ka type ni Marco. Hindi 'yun magkakagusto sa'yo. Mapang-asar niyang wika sa akin. Sumimangot naman ako sa kanya. Eh paano ka naman nakakasiguro? Balik ko kay Arhel. May nililigawan na siyang iba. Pag-amin ni Arhel sa akin tungkol kay Marco. Papa Dudut nung una talaga akala ko ay nagsisinungaling lang siya. Pero nabalitaan ko nga sa mga kaklase ko na meron na ngang nililigawan si Marco na mas maganda at mas matalino pa kaysa sa akin. Kaya parang nawalan na ako ng confidence noon sa aking sarili at lalo pa akong na-heartbroken ng mabalitaan kong sinagot na si Marco ng babaeng nililigawan niya. Kaya unti-unti ko nang tinanggap sa sarili ko na imposibleng magustuhan ako ng crush ko. Tinigil ko na ang kaibangan ko. Pero hindi na ako nag-entertain ng manliligaw at nag-concentrate na lamang ako sa pag-aaral ko. Pero Papa Dudut, paminsan-minsan ay nagkakasulubong kami ni Marco. At hindi ko maiwasang masaktan ng kaunti. Pero iniisip ko na ganun lang ang buhay. Ang crush ay puppy love lang 'yan, hindi permanente. Nilipas din ang panahon na makakalimutan ko rin si Marco. Kaya naman nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagsasayaw. Naging bahagi ako noon ng dance troop sa aming eskwelahan. At madalas kaming mag-perform tuwing may program. At sa tuwing nagpe-perform ang aming grupo, tuwing may program sa aming paaralan ay talagang dinadalanginan ko dahil alam ko na nanonood siya. Hanggang sa mag-fourth year high school na kami. Section Malvar ako noon, last section habang si Marco ay nasa section Abad Santos. Ang top section sa fourth year. Ito namang si Arhel, ayun, magkaklase pa rin kami. Samantala, dahil nauuso na noon ang texting. At tinawag na ngang texting capital of the world ang Pilipinas ay hindi na nauso pa ang penmate. At kung merong gustong manligaw sa akin. Ayun din, dinadaan nila sa text. Pero syempre, busted sila sa akin dahil secretly si Marco pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Hanggang sa malaman kong single na ulit si Marco. Kaya gumawa ako ng paraan para makuha ang kanyang cellphone number tapos ay sinubukan ko siyang i-text. Kunwari wrong send pero nag-reply siya at kunwari todo-sorry ako sa kanya. Pero pagkatapos noon ay naging textmate ko na si Marco. Hindi nga nagtagal ay naging magka-vibes na kaming dalawa at nagkikita kami tuwing break time namin. At dahil CAT officer si Marco ay kilalang-kilala siya ng mga staff ng school lalo na sa kantin. Yung head ng kantin si Aling Mary madalas akong itukso noon kay Marco. At ang sabi pa niya ay bagay kaming dalawa ni Marco kasi le-level naman daw ang ganda ko sa kagwapuhan ng crush ko. Hanggang sa 'yun na nga, naging love team kami noon. Kinalaunan ay nanligaw na siya sa akin at hindi ko na rin pinatagal at sinagot ko na rin siya. Pero hindi naman nagtagal ang aming relasyon dahil ewan ko ba. Parang naglaho yung expectations ko. Mabait naman po si Marco kaso ang problema ang boring ng relasyon namin. Walang nagdadala. Parang hindi kami kaya nakipag-break na ako. Pero hindi ko alam na nasaktan pala noon si Marco kaya hindi na siya nagpasok sa school. Hindi na rin ako naglakas ng loob para tanungin ang kanyang kapatid na pumasok sa paaralan na pinapasukan namin kung bakit hindi na pumapasok ang kuya niya. Hanggang sa dumating ang araw ng aking pagtatapos sa high school. Hindi na kami nagkita at hindi ko na alam kung ano ang balita at nangyari sa kanya. Dumating ang araw ng kolehiyo na ako. Pero hindi pa rin ako nawala ng pag-asa na muli kaming magkita ni Marco. Kaya naman tuwing uwian, madalas akong dumadaan sa kalye na malapit sa bahay nila kahit na alam ko na mapapalayo ako. Pero hindi naman kami nagkikita. Minsan, sa pagdaan ko sa kalye na malapit sa kanila, umuulan noon ay muli kaming nagkasalubong. Tinawag naman niya ako sa pangalan ko at syempre lumingon ako. Pero dahil nga sa umuulan noon ay hindi na kami nakapag-usap pa. Papa Dudut, 'yan ang huling pagkikita namin at hindi na nga nasundan 'yon. Kahit na may cellphone number ako ng kapatid niya ay hindi ko na siya nagawang kumustahin sa kapatid niya. Kahit na kapatid niya mismo ay ka-text ko. Tuluyan ko na nga siyang nakalimutan. Lumipas ang taon at hindi na muli kaming nagkita. Nagkaroon na rin ako ng manliligaw, kaklase ko si Paul. And fast forward, natutunan ko na siyang mahalin at naging kami noong pareho na kaming second year college. Madalas niya akong ihatid sa tuwing uwian pero hanggang sa kanto lang. Hindi ko pa siya pinapakilala sa mga magulang ko dahil natatakot ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ng boyfriend ko na meron akong naging high school sweetheart na hindi ko malilimutan. Dahil madalas ko ikwento sa kanya ito at alam din naman niya na ito ang first love ko. Minsan may nagaganap na programa sa aming unibersidad na pinapasukan. Habang nanonood kami ay naitanong niya kung paano kung isang araw magkita ulit kayo ni Marco. Ang tanong niya sa akin. Ang laki ng mundong ito, imposible na magkita pa ulit kami. At saka kung magkita man kami, wala na akong pakialam kasi ikaw na ang boyfriend ko. Ikaw ang mahal ko at hindi na siya. Ang sagot ko. Satisfied naman si Paul sa kasagutan ko. Papa Dudot, lumipas ang mga panahong na kay Paul ang umikot ang buhay ko. Hindi nagkaroon ng problema sa aming relasyon. Siya ang partner ko na wala ka nang hihilingin pa. Mabait, sweet, mapaggalang sa mga babae, maasikaso, lahat ay nasa kanya. Tumuntong kami ng fourth year college kahit parehas kami ng kapatid ko ng unibersidad na pinapasukan. Hindi nalaman ang kapatid ko na may boyfriend ako na kaklase ko. Dahil ginagalang ng boyfriend ko ang desisyon ko na huwag ipaalam ang relasyon naming dalawa. Samantala ay dumating ang araw na nagrenta ako sa computer shop. At nauuso na noon ang Facebook kaya nagbakasakali ako makita si Marco. Tinype ko ang pangalan niya sa search box at agad namang lumabas ang profile niya. At doon ay nakita ko na nag-shout-out siya. Na nag-i-invite sa birthday niya at nag-post siya ng cellphone number niya. Syempre, kinuha ko ang number niya at sinave ko ito. At minsan pauwi ako galing sa OJT ko sa isang government bank ay naisipan ko siyang i-text. Hindi siya agad nag-reply. Hanggang minsan isang araw ay tumunog ang cellphone ko, I was surprised dahil si Marco ang nag-text. At simula noon ay palagi na kaming nagte-text. Dumating ang araw ng birthday niya at in-invite niya ako na pumunta. At dahil nga sa kagustuhan kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya, kaya pumunta naman ako. Pagkagaling ko sa school ay dumiretso ako sa lugar na napagkasunduan namin na magkikita kami. Papa Dudut. 'Yun ang una naming pagkikita. At pagkatapos ng maraming taon ay iba na ang itsura niya. Ibang-iba na. Paya, tumanda na ang itsura niya. Sa madaling salita ay nagmukhang tambay. Dumiretso kami sa bahay nila. At pinakilala ako sa tita at kapatid niya maging sa mga bisita niyang mga barkada. Nagulat pa nga ang kapatid niya kung bakit ako nandoon. Dahil hindi naman niya alam na nagkikita kami ng kuya niya at may communication kami ng kuya niya. Hindi naman ako nagtagal at umuwi rin kaagad. Samantala, naging madalas ang aming pagkikita Papa Dudut. Alam niyang may boyfriend ako pero wala siyang pakialam. Madalas niya akong papuntahin sa bahay nila noon at doon nalaman ko na kung anong buhay meron siya noong panahong 'yon. Late na siyang nakagraduate ng high school dahil nasira ang buhay niya sa barkada. Tambay lang siya. Madalas nasa kalsada. Kahit ganun ay hindi ako nailang na makipagkaibigan sa kanya. Sa kabilang banda ay mabilis ang mga pangyayari. Nagtapat siya sa akin na mahal niya ako at kung puwede niya ba akong ligawan. May boyfriend na ako. Ang sagot ko. Kung asawa na, I have a girlfriend pa kaya. Ang tugon niya. Pinakita niya sa akin na desidido siya sa panliligaw sa akin kaya naman sinagot ko siya. Hindi naman sa pagmamayabang pero dumating ako sa point. Na kailangan kong mamili sa dalawang lalaki. Si Paul o si Marco. Mahirap diktahan ang puso. Pinilit kong kalimutan na lang si Marco dahil alam ko na kung anong buhay meron siya. Pero siya talaga ang mahal ko. Kaya naman tinapos ko ang relasyon namin ng boyfriend ko. Kahit na masakit 'yon kay Paul sa huli, tinanggap na lang niya ang desisyon ko. Samantala, isa rin sa mga dahilan kung bakit si Marco ang pinili ko. Dahil kahit alam niya na ako ay magtatapos na sa pag-aaral. At siya ay tambay lang ay malakas ang loob niya na pumunta sa bahay namin at humarap sa mga magulang ko. At dahil nga nalaman ang mga magulang ko na tambay lang si Marco ay hindi sila boto dito. Madalas akong pinagsasabihan ng mga magulang ko na hiwalayan ko na raw si Marco. Pero Papa Dudut, mahal ko talaga si Marco at pinakita niya sa mga magulang ko na mahal din niya ako at para sa akin ay handa siyang ayusin ang buhay niya. Sa kabilang banda ay nakapagtapos na ako ng kolehiyo at nakahanap ng trabaho. Tuwing araw ng Linggo. Kapag wala ako pasok sa trabaho ay madalas ay nasa bahay nila ako. Tanggap na ako ng mga kapatid at magulang ni Marco. Dahil nga sa pagmamahal ko sa kanya ay binigay ko na rin ang aking pagkababae. At ilang buwan lang ay nalaman naming buntis na ako. Pananagutan naman niya ako at naghanap siya ng trabaho. Pero dahil nga sa high school graduate lang siya ay nahirapan siyang magkaroon ng maganda at maayos na trabaho. Kaya sinasama na lang siya ng tatay ko sa pagkakarpentero. At ako naman ay nagtatrabaho hangga't kaya ko pa at hindi ko pa kabuwanan. Hindi nga naglaon ay nakapanganak naman ako ng maayos at nagsilang ng isang malusog na batang lalaki. Tuwang-tuwa ang aking mga magulang at doon ay natanggap nila si Marco. Sa bahay ng mga magulang ko kami tumira. Ang mga magulang ko ay palaging handa kaming suportahan at tulungan. At ng ilang buwan pagkapanganak ay agad naman akong nakahanap ng trabaho. Habang siya ay nasa bahay at nag-aalaga ng aming anak. At kung minsan kapag may kontrata ang tatay ko sa pagkakarpentero ay sinasama siya. Sa mag-asawa ay hindi talaga maiiwasan ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Dumating pa nga yung puntong sinaktan niya ako physically. Papa Dudut, maghihiwalay ang taon noon nung nag-away kami. Ang dahilan ng pag-aaway namin ay dahil gusto ko nang umuwi kasama ang aking anak sa bahay ng mga magulang ko. At doon magdiwang ng bagong taon. Napagkasunduan naman naming. Bago mag-12:00 ng gabi ay uuwi kami sa bahay ng mga magulang ko kasama ang anak namin. Pero noong nag-aya na ako dahil 11:00 p.m. na ng gabi ay ayaw niyang pumayag. Hindi daw kami uuwi. Nagpumilit ako at doon ay sinaktan na niya ako. Medyo nakainom na siya noon. Yun pala ay dinamdam niya ang hindi pagpayag ng mga magulang ko na umalis ng gabing 'yon sa bahay namin para dumalaw sa bahay nila. Umuwi akong mag-isa sa bahay para ipaalam sa mga magulang ko ang ginawa niya. Kasama ng mga magulang ko. Bumalik kami sa bahay nila Marco para kausapin ang mga magulang ko, ang nanay ni Marco at sunduin ang anak ko. Pagdating namin sa bahay nila ay imbis na humingi ng paumanhin ang mama ni Marco ay sila pa itong nagsisigaw at galit na galit. Hindi nila pinasama ang anak ko sa amin. Kaya naman umuwi na lamang kami sa bahay at pagsapit ng umaga ay agad kaming pumunta sa Barangay Hall at Women's Desk. At pinaalam ang mga nangyari. Kasama nga ng mga pulis ay pumunta kami sa bahay nila Marco upang kunin ang anak ko. Subalit hindi siya pinalabas ng mama niya, susunod na lang daw sila sa barangay at isasama ang anak ko. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang mama niya, ang tiyahin niya at ate ni Marco, pero hindi kasama ang anak ko at si Marco. Papa Dudut, hindi ko alam kung ano ang nasa isipan nila at kung ano ang plano nila. Sobrang takot ako noon dahil baka hindi nila ibalik ang anak ko.

[23:09]Buti at inalalayan ako ng mga magulang ko nung panahong 'yon. Hindi nila ako pinabayaan. Tinulungan nila ako at binigyan ng lakas ng loob. Hindi rin maiiwasan ang pangaralan nila ako dahil sa mga nangyayari sa pamilya ko. Na bakit daw ba kasi sa dami-dami ng lalaki at bakit siya ang naging asawa ko. Makipaghiwalay na raw ako at magsimulang muli. Ilang oras pa ay dumating na nga si Marco kasama ang anak ko. Para akong nabunutan ng tinik at sobrang saya ko dahil nakita ko na ulit ang anak ko. Naghaharap na kaming dalawa at sinabi ko sa kanya na nakapagdesisyon na akong makipaghiwalay na sa kanya. Subalit ayaw niyang pumayag. Ayaw niyang maghiwalay kami. Dahil sa tatagal pa ang usapan namin ay minabuti na lang namin na umuwi muna. At kinabukasan na lang ulit kami mag-usap sa Women's Desk. Kasama ng mga magulang ko ay umuwi kami ng anak ko sa bahay namin. At si Marco kasama ng mama niya. Kinabukasan ay napag-usapan namin na maghiwalay muna kami. Doon na siya sa mama niya tumira. At kami ng anak ko ay mananatiling tumira sa bahay ng mga magulang ko. Papa Dudut, ilang buwan din kami nagkahiwalay. Pero masakit sa isang ina na marinig ang anak niya na hinahanap palagi ang kanyang ama. Muli ko siyang tinanggap sa buhay namin ang aming anak. At pinakita naman niya na nagsisisi siya sa kanyang mga nagawa. At ayaw din niyang maranasan ng aming anak ang kanyang mga naranasan sa pagiging isang miyembro ng isang broken family. Kinalang naman ang mga magulang ko ang desisyon ko at buong puso nila muling tinanggap si Marco bilang ama ng apo nila. Sa ngayon ay nag-aaral na sa grade one ang anak ko habang si Marco ay may maayos na trabaho. Isa siyang pahinante sa isang pagawaan ng karton sa Valenzuela. At ako naman ay nagtatrabaho sa isang kumpanya dito sa SJDPM bilang isang accounting staff. Dalawa kaming nagtatrabaho upang mabuhay namin ang maayos ang aming anak. Ganun din upang suportahan ang aming ina at mga kapatid. Maraming salamat po Papa Dudut sa pagbibigay ng pagkakataon na maibahagi ko ang kwento ng aming tunay na pag-iibigan. Marami mang pagsubok ang dumating sa amin. Pero sa awa naman ng Diyos ay nalampasan namin ito. Muli, God bless and more power po sa inyo. Lubos na gumagalang, Alaika. Maraming salamat kay Alaika sa pagbabahagi mo ng iyong kwento sa aming programa. Ang buhay pag-ibig ay hindi 'yan palaging masaya, ha? Darating at darating kayo sa mga pagsubok. Pero kung matibay ang inyong pagmamahalan at marunong kayong umunawa sa isa't isa. Mabilis ninyo itong malalampasan. At natutuwa naman kami na marinig mula sa inyo na kayo pa rin ni Marco sa kabila ng mga pinagdaanan ninyong mga challenges. Muli, dalangin namin na darating ang mas maayos at matiwasay na buhay sa inyo bilang mag-asawa.

[26:36]Ang buhay ay mahiwaga. Laging may lungkot at saya.

[26:48]Sa Papa Dudut Stories, laging may karamay ka.

[27:01]Mga problemang kay bigat. Dito ay pakikinggan ka.

[27:14]Sa Papa Dudut Stories, kami ay iyong kasama.

[27:26]Dito sa Papa Dudut Stories, ikaw ay hindi nag-iisa. Dito sa Papa Dudut Stories, may nagmamahal sa 'yo. Papa Dudut Stories.

[28:04]Papa Dudut Stories.

[28:36]Hello, mga ka-online! Si Papa Dudut po ito. Nag-enjoy ka ba sa ating kwento ngayong araw? Huwag kalimutan na i-share, mag-like, at mag-subscribe. Maraming salamat po!

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript